July 13, 2017

COCO MARTIN, METIKOLOSO SA PAGDIDIREK NG ANG PANDAY

KUNG pagbabasehan ang karanasan ni Coco sa pelikula at telebisyon, walang duda na hinog na hinog na siya sa kanyang unang pagsabak nilang direktor ng Ang Panday, isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival ngayong December.

Sa telebisyon, sa loob ng halos isang dekada, napatunayan ni Coco ang buong suporta ng mga Pilipino dahil sa bawat seryeng kanyang ginagawa, lagi itong nangunguna sa rating. Mula sa Tayong Dalawa, Kung Tayo'y Magkakalayo, Walang Hanggan, Iisa Pa Lamang, Juan dela Cruz hanggang ngayon sa Ang Probinsyano, wala nang kailangang patunayan si Coco. Sa katunayan, siya na ang aktor na may pinakamaraming awards at pagkilala sa larangan ng kahusayan.

Puspusan ang shooting ni Coco ng Ang Panday. Tuwing Huwebes, Sabado at Linggo. 


No comments:

Post a Comment

COCO MARTIN, METIKOLOSO SA PAGDIDIREK NG ANG PANDAY

KUNG pagbabasehan ang karanasan ni Coco sa pelikula at telebisyon, walang duda na hinog na hinog na siya sa kanyang unang pagsabak nilang di...